QR code
ryantheman2's avatar

ryantheman2

taytay, rizal

Isinilang sa Quezon City at tumira ng sandali sa San Andres Bukid.Tumira din sa Tuazon Kanan dyan sa Cubao mula dekada 80 hanggang dekada 90. Nag-pasaway noong elementarya sa Sta. Catalina College. Nag-laboy sa SM centerpoint at Na-addict sa X-men comics at kay Ultimate Warrior . Natutong mag cutting classes at minsan nangarap maging artista at basketball player sa Trinity College of Q.C.. Tumambay din sa Ali-mall, Farmeres Plaza, National Bookstore at Fiesta Carnival. Nagpapasalamat Kay ERAP dahil sa gulo sa mendiola unti lang ang pinasok sa San Sebastian College noong panahon na graduating sa colegio. Ngayon ay may asawa at dalawang cute na babaeng anak na naninirahan sa Taytay Rizal. Kapag walang magawa ay nag pipesbuk lang at nagsususlat ng kung ano-ano sa kanyang blog na wala namang nagbabasa. Parati tinatamad at gusto lang manood ng T.V. at mga pelikulang nabibili sa bangketa. Ngayon ay paikot-ikot lang sa Marikina na parang trumpo at mahilig din magsabi ng Chow!