ramyracle
Hi, Ako po si Ram Simbajon, kasalukuyang mag-aaral ng kursong M.A. Araling Pilipino sa Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman. Paborito kong aklat ay ang "Binibining Stewardess: Mga Kuwento ng Flight Attendant" ni Ana Algabre-Hernandez na tumatalakay sa pakikibaka at walang kapagurang "pagtake-off" at "paglanding" sa byahe ng buhay ng ating mga kababayang flight attendant at nabibilang sa industriya ng abyasyon. Pagdating naman sa pelikula, paborito ko ay ang "Dekada 70" na pinagbibidahan nina Vilma Santos. Isa itong sosyo-pulitikal na likhang sining na kung titingan natin ay tila muli na namang umiinog sa ating lipunan sa ilalim ng bagong-upo pa lamang na pamahalaan. Pagdating naman sa mga praktisyuner sa larangan ng pamamahayag, itinuturing kong idolo si Bro. Jun Banaag, o mas kilala ng kanyang mga tagapakinig bilang si "Dr. Love", gayundin ang tagapagtaguyod ng alternatibong pamamahayag, ang yumaong si Prop. Rogelio Ordonez. Pampa-"good vibes" ko namang maituturing ang mga awiting bossa nova ni Sitti Navarro, gayundin ang mga love songs nina Karen Carpenters (You), Barry Manilow (halos lahat ng kanyang awitin pero pinakapaborito ko ang "I Made it through the rain"), at si Christopher Cross ("Arthur's Theme"). Comfort food ko naman ang siomai, siopao, kwek-kwek, at beef noodles... kung saan kahit araw-araw ko itong kainin ay hindi ako magsasawa at solve na solve na ako. Libangan (hobby) ko naman ang pagbabasa ng mga travel books at panonood ng mga travel channels dahil ako po ay likas na lakwatsero at "adventurous". :)